Inaasahang si Genady Golovkin ang papalit sa trono ni US undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.
Ito ay dahil sa kapanapanabik na labang naipanalo ni Golovkin.
Pinatunayan ni Golovkin na kilala rin sa tawag na Triple G ang pagiging knockout artist nito nang patumbahin nito si Willie Monroe Jr. sa kanilang laban noong nakaraang linggo.
Ang pagpapabagsak ni Golovkin kay Monroe ay ang ika-20 straight knockout win niya sa kanyang 33-0 win at kabuuang 30 knockout sa kanyang career.
Bagamat hindi pa nito nararating ang rurok ng tagumpay na narating ni Mayweather ay umaasa naman ang Kazakhstan boxer na mahihigitan nito.
By Ralph Obina