Binigyang diin ni Myanmar State Counsel Aung San Suu Kyi ang gender equality at karapatan ng mga babae sa kaniyang talumpati kahapon.
Inihayag ni Suu Kyi sa ASEAN Business and Investment Summit sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City, ang kagustuhan nitong matapos na ang diskriminasyon dahil hanggang ngayon ay naniniwala siyang laganap pa rin ang diskriminasyon kung saan nanaig ang kalalakihan.
Nais ding bigyang prayoridad ni Suu Kyi ang pagkakaroon ng edukasyon para sa mga babae para maging katuwang sa work force at maputol na ang diskriminasyon.
—-