Tanging sa aspetong sibil lamang ma-aabsuwelto ang pamilya Marcos.
Binigyang diin ito ni dating Senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel sa gitna na rin ng sinasabing alok ng Marcoses na isauli ang bahagi ng umano’y nakaw na yaman ng mga ito.
Sinabi ni Pimentel na hindi lusot at ibang usapan ang criminal liability ng Marcoses hinggil sa posibleng pakikipag-kumpromiso ng gobyerno sa pagbawi sa ill-gotten wealth.
Gayunman, inihayag ni Pimentel na dedepende naman kung ano ang mapagkakasunduan sa negosasyon at maaaring gawin o pupuwedeng mangyari ang pagbibigay ng general amnesty sa dating first family.
Kaugnay nito, pabor si Pimentel sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na makabuo muna ng batas bago gumulong ang anumang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at Marcos family.