Nag-ikot si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa sa tatlong tanggapan ng PNP na pinaka-tumatak sa kanyang pamumuno.
Sa bisperas ng kanyang pagreretiro sa serbisyo, pinasalamatan ni Dela Rosa ang Counter Intelligence Task Force o CITF na siyang nanguna sa internal cleansing program sa hanay ng pulisya.
Binisita din ni Dela Rosa ang PNP-Drug Enforcement Group o P-DEG na nasangkot sa pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo sa loob ng Kampo Crame.
Ayon sa outgoing PNP Chief, ito ang isyu na pinakasumubok sa kanyang pamumuno kung saan umabot pa sa puntong naghain siya ng resignation kay Pangulong Duterte.
Nagtapos ang farewell visit ni Dela Rosa kagabi sa kontrobersyal na Caloocan Police Station na nasangkot sa pagpatay sa mga menor de edad na sina Kian Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.
Last stop sa ‘farewell visit’ ni Gen. Bato ang Caloocan Police na itinuturing niyang ‘lowest point’ ng kanyang pamumuno sa PNP @dwiz882 pic.twitter.com/tBaBgp8bU2
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 18, 2018
PNP chief Dela Rosa sa Caloocan police: You gave me the lowest point during the Kian delos Santos case at Carl Angelo Arnaiz case @dwiz882 pic.twitter.com/2f6XaoaYB0
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 18, 2018
(Ulat ni Jonathan Andal)