Magsisimula nang mamaalam ngayong linggo si Director General Ronald Dela Rosa bilang Philippine National Police (PNP) Chief
Ngayong umaga, dumalo si Dela Rosa sa kanyang huling flag raising ceremony sa Camp Crame bilang hepe ng PNP.
PANOORIN: PNP chief Dela Rosa, naging emosyonal sa talumpati sa kanyang huling flag raising ceremony sa Camp Crame @dwiz882 pic.twitter.com/OxXPDSEiUQ
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 15, 2018
Susundan naman ito ng kanyang huling press briefing sa national headquarters.
Kung matatandaan, nakagawian na ni Bato na humarap sa media tuwing Lunes upang ibida ang mga nagawa ng PNP at upang sagutin ang mga maiinit na kontrobersya sa kanilang hanay.
Pagkatapos nito, diretso si Dela Rosa sa kanyang dating eskuwelahan, ang Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City para sa testimonial parade. Isang seremonyang ibinibigay sa mga magreretiro nang opisyal ng PNP at Arme Forces of the Philippines (AFP) na alumni ng akademya.
Miyembro si Bato ng PMA Sinagtala Class 1986.
Kaklase niya dito si NCRPO Chief Oscar Albayalde na papalit sa kanya bilang PNP Chief.
Bukas, April 17 pangungunahan ni Bato ang kanyang testimonial dinner sa Camp Crame, isang huling salu-salo para sa mga magreretiro nang heneral.
Imbitado rito ang pinakamatataas na opisyal sa PNP at ilang pulitiko sa bansa Miyerkoles, April 18 tatawid si Bato sa Camp Aguinaldo para saksihan ang pagreretiro ni AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero.
At Huwebes, April 19 ang retirement ceremony ni Bato sa Camp Crame na dadaluhan ni Pangulong Duterte.
—-