Hinatulan ng Sandiganbayan ng 123 hanggang 219 na taong pagkakabilanggo si Retired Brig. Gen. Jose Ramiscal Junior.
Kaugnay ito sa mga iregularidad sa real estate deals ng armed forces of the Philippines-Retirement and Separation Benefits system (AFP-R.S.B.S.) noong dekada Otsenta.
Bukod kay Ramiscal, pinatawan din ng 7th Division ng anti-graft court si Atty. Nilo Flaviano ng 12 counts ng Graft at falsification of public documents.
Nag-ugat ang kaso sa misdeclaration ng selling price ng 12 lote ng sa General Santos City noong 1997, pandaraya sa capital gains at documentary stamp taxes ng gobyerno na aabot sa 3.5 million Pesos.
Bagaman binili ng R.S.B.S. Ang 999-square-meter ng lupain sa halagang 10,500 Pesos per square meter o 10.49 Million Pesos bawat property, pawang pekeng deeds of sale ang ginamit kung saan lumabas na 3,000 Pesos per square meter o 2.99 Million Pesos bawat property lamang ang tunay na halaga.
Nangangahulugan ito na 389,610 Pesos na buwis lamang ang binayaran para sa bawat property sa halip na 681,817 pesos kaya’t nagkaroon ng discrepancy na 292,207 pesos kada lote o kabuuang 3.5 million pesos na nawalang kita ng gobyerno