Generally fair weather condition pa rin ang mararanasan sa bahagi ng Luzon maliban nalang sa mga tiyansa ng mga pag ulan sa hapon hanggang sa gabi.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Patrick del Mundo, patuloy na binabantayan ng pagasa ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa bisinidad ng Coron, Palawan na nagdadala ng intermittent rain showers at thunderstorms sa Bicol Region, Quezon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, at Romblon.
Mababa naman ang tsansa nito na maging bagyo at posibleng malusaw na sa loob ng 12 hanggang 14 na araw.
Samantala, asahan naman ang maaliwalas na panahon sa Visayas at Mindanao na may mga tiyansa ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi dulot pa rin ng localized thunderstorm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 hanggang 33 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:22 ng hapon.