Mananatiling stable ang generation charge ng Manila Electric Company o MERALCO ngayong Oktubre.
Ayon kay MERALCO spokEsman Joe Zaldarriaga, bagama’t hinihintay pa nila ang kompleto at final billings mula sa mga suppliers, walang indikasyon na magkakaroon ng pagtaas ng singil sa kuryente.
Gayunman, sinabi ni Zaldarriaga na kung mayroon man ng adjustment ay bahagya lamang at hindi ito masyadong mararamdaman ng mga kustomer.
By Jelbert Perdez