Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Department of Health (DOH) para sa compassionate special permit ng Bexovid, ang generic at mas abot-kayang bersyon ng anti-COVID-19 na Paxlovid ng Pfizer.
Ayon kay FDA Director General Dr. Oscar Gutierrez, ang abot kayang anti-viral ay ipapamahagi sa mga pampublikong ospital sa bansa.
Inaasahan na ang naturang gamot ay mas mura kumpara sa ibang gamot na pangontra din laban sa COVID-19.
Ang Bexovid ang kauna-unahang generic version na inaprubahan ng US-FDA na gawa ng Pfizer na may pangalang Nirmatrelvir at Ritonavir.—sa panulat ni Angelica Doctolero