Higit na magiging agresibo umano si Kazakh Knockout Artist Gennady Golovkin sa rematch nito kay Mexican Superstar Saul Canelo Alvarez.
Tiniyak ito ni Tom Loeffler ng K2 Promotions, promoter ni Golovkin, matapos ipag-utos ng World Boxing Council ang agarang rematch sa pagitan ng dalawang boksingero.
Sinabi ni Loeffler na posibleng Marso o Mayo ng susunod na taon gawin ang Golovkin – Canelo rematch bagamat lumutang na ang petsang cinco de mayo na nabatid na holiday sa bansang Mexico.