Apektado na rin ng haze mula sa forest fires sa Indonesia ang General Santos City.
Dahil dito, ilang araw nang kanselado ang mga flight mula at patungo ng General Santos City International Airport.
Ayon kay CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines, kailangang buksan ang mga ilaw sa runway ng nasabing airport kahit sa umaga gayundin ang pagbubukas ng ilaw ng mga eroplano dahil sa makapal na haze.
Sinabi naman ng PAGASA na malilinis ng pinaigting na hangin dulot ng northeast monsoon o amihan ang nasabing haze sa GenSan.
By Judith Larino