Nangangamba ang General Santos City, City Health Office sa kakulangan ng staff na mag-seserbisyo sa mga ospital.
Ito ayon kay Dr Rochelle Oco, pinuno ng City Health Office ay matapos mag-positibo sa COVID-19 ang 29 na healthcare workers kabilang ang pitong doktor.
Sinabi ni Oco na 660 ang active cases ng COVID-19 sa Gensan na nasa 471 ang death toll, subalit mahigit 12,000 ang naka-recover na sa nasabing sakit.
Kasabay nito, ipinabatid ni Oco na 50% na ng mga residente sa Gensan ang nabakunahan, subalit malaking hamon ang pagbabakuna sa mga Senior Citizen na karamihan ay naniniwala aniya sa fake news o disinformation hinggil sa COVID-19 vaccines.