Isina-ilalim sa lockdown ang Port of General Santos o Makar Wharf matapos ang pagtama ng lindol sa North Cotabato.
Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, napag-pasyahang i-lockdown ang pantalan para makapagsagawa ng inspeksyon.
Ito ay kahit wala pang nakikitang pinsala sa mga pasilidad nito.
Aniya, nais muna nilang siguruhing ligtas ang pantalan bago ito buksan.
Samantala, suspendido rin ang operasyon ng GenSan Port dahil sa naturang lindol.