Kumpiyansa ang Genuine Minority Bloc sa Kamara na papaboran sila ng Korte Suprema at ibabasura nito ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ito ang kapwa inihayag nila Albay Rep. Edcel lagman at Akbayan Rep. Tom Villarin kasunod ng kanilang pagdulog sa high tribunal para kuwesyunin ang naturang deklarasyon ng Pangulo.
Ipinunto pa ng dalawang mambabatas na hindi rin sinunod ng Kongreso ang itinatadhana ng saligang batas na magsagawa ng joint session kasunod ng deklarasyon sa halip ay lumikha ito ng committee of the whole.
Kasunod nito, umaasa ang mga mambabatas mula sa oposisyon na mabibigyang pagkakataon ang Korte Suprema na marepaso ang kautusan at manaig ang boses ng taumbayan na pigilan ang nagbabadyang diktadurya sa bansa.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc