Ipinagkibit-balikat ng Malakanyang ang paglutang ng geo-tag na nagsasabing probinsya ng China ang Pilipinas sa mga social media sites tulad ng facebook at instagram.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na dapat bigyan ng komento ito dahil malinaw naman aniya itong “fake news”.
Binanggit din ni Roque na dapat minarkahan na ito bilang “fake news” ng online news organization na Vera Files at online news agency na Rappler na nagsisilbing fact verifiers ng facebook.
Nitong weekend, lumutang ang location tag na Philippine Province of China at North Philippines Province of China na magagamit sa ilang social media site na tila pangungutya sa Pilipinas.