Aminado si Gerald Anderson na natatakot siyang malaos.
Ayon sa aktor, nakasanayan na niya ang ganitong pamumuhay kaya’t natatakot itong mawala ang anumang tinatamasa niya ngayon.
Minsan din ay sumasagi umano sa isip ni Gerald na baka hindi sapat ang kanyang ibinibigay para sa napili niyang larangan.
Ngunit ang mga takot na ito aniya ang siya ring nagsisilbi niyang motibasyon at inspirasyon.
Sinabi ni Gerald na pag-arte na talaga ang gusto niyang gawin hanggang sa pagtanda.