Agad na humataw sa takilya ang pelikulang ‘How to Be Yours’ na pinagbibidahan sa unang pagkakataon ng team up nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.
Ayon sa Star Cinema kumita ang pelikula ng P10 million sa opening day nito.
Sa Instagram post ni Bea tila nasorpresa ito at nagpasalamat sa lahat ng mga nanood: Ano??? naka-10 million na ang How to be yours??? Thank you po!!!! Love you po!!!!!
Sa direksyon ni Dan Villegas, ang How To Be Yours ay isang romantic comedy story nina Niño (Anderson) at Anj (Alonzo) na pipili kung alin nga ba ang mas mahalaga sa buhay, love o career?
Ito na rin ang ikalawang proyekto ni Villegas kasama si Anderson matapos ang pelikulang “Always Be My Maybe”, na kumita ng P8 million sa debut nito.
Photos: Screengrab from bea alonzo /Instagram