Inamin ngayon ni Gerald Anderson na siya ang may kasalanan at dapat sisihin sa naunsyaming relasyon nila ni Bea Alonzo noong 2010.
Ayon sa aktor, immature siya noong mga panahong iyon at natakot siyang i-handle ang kanilang relationship.
Idinagdag ni Anderson na nanghihinayang siya dahil pinalagpas niya ang pagkakataong makilala ng husto si Alonzo.
Ngunit ngayon ay vocal naman ang dalawa sa pagsasabing ini-enjoy nila ang company ng isa’t isa lalo’t magsasama sila sa isang proyekto, ang upcoming movie na “How To be Yours” mula sa Star Cinema.
Nang tanungin naman kung may pag-asang lumabas sila kahit matapos na ang pelikula sinabi ni Gerald na: “Bakit naman hindi”. Masarap aniyang kasama at kausap si Bea.
Pabirong sinagot naman ito ni Alonzo na: “Siguro kapag nasa mood ako makita siya, puwede [kami lumabas].”
Parehong single ngayon ang dalawa.
Video Credit: marie lozano/Youtube