Sinisikap ng AFP o Armed Forces of the Philippines na masagip ang mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf Group.
Inihayag ito ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa gitna ng banta ng Abu Sayyaf na pupugutan nila ang kanilang bihag na si German National Juergen Kantner kung hindi maibibigay ang hinihinging P30 Million ransom ngayong alas-tres ng hapon.
Iginiit ni Padilla na tuluy-tuloy ang kanilang military operations sa kabila ng naturang banta.
Nagpapatuloy naman ang focused military operations ng Western Mindanao Command sa mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf.
Nanawagan din si Westmincom Chief Major General Carlito Galvez Jr. sa mga residente ng Sulu at Tawi Tawi na makipagtulungan upang mapigilan ang barbaric activities ng Abu Sayyaf, partikular ang pagdukot sa mga inosenteng sibilyan.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal