Binatikos ng Germany at France ang banta ni US President Donald Trump na babawiin ang suporta sa Group of Seven Communique kasunod lamang ng katatapos na pagpupulong ng mga miyembro nito sa Canada.
Ayon kay German Foreign Minister Heiko Maas, hindi na nakagugulat ang nasabing hakbang ni Trump dahil nasaksihan na aniya nila ito sa pag-atras ng US Leader sa climate agreement at kasunduan sa Iran.
Kasabay nito nanindigan ang Germany at France na mananatiling matapat sa communique sa kabila ng desisyon ni Trump.
Una rito, inanunsyo ni Trump sa kanyang Twitter account na kaniya nang inaatasan ang mga mambabatas sa Estados Unidos na huwag i-endorso ang G7 Communique at nagbntang babawiin ang paglagda dito kasunod na rin aniya ng mga banat ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau hinggil sa kanilang ipinapataw na taripa.
—-