Good news para sa Filipino nurses.
Nangangailangan ngayon ang Germany at Russia ng may dalawampu’t dalawang libong (22,000) Pilipinong nurses.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, ang mga maha-hire na nurse sa naturang mga bansa ay makatatanggap ng buwanang sahod na isandaan at limampung libong piso (P150,000).
Maliban dito, maaari pang dalhin at tumira kasama ng mga matatanggap na Pinoy nurses ang kanilang pamilya sa Russia at Germany.
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo lamang sa tanggapan ng DOLE.
By Ralph Obina