Bukas ang Germany na kilalanin na ang pagkakaroon ng ikatlong kasarian o “third gender”.
Ito ay matapos maghain ng panukalang batas ang matataas na opisyal dahil sa isang kaso ng isang sanggol na babae na nagkaroon ng hindi pangkaraniwang resulta sa kaniyang chromosome test kung saan hindi matukoy ang tiyak na kasarian nito.
Sakaling maipasa ang nasabing panukalang batas, ang Germany ang magiging kauna-unahang bansa sa Europe na kikilala sa karapatan ng isang indibiduwal na huwag silang kilalanin sa pagiging babae o lalaki.
Nakatakdang maisakatuparan ang nasabing batas sa December 31 2018.
—-