Handa ang Germany na makipagtulungan sa Pilipinas hinggil sa Loss and Damage Fund ayon kay Foreign Minister Annalena Baerbock
Sa isang meeting sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng German Foreign Minister na naniniwala siyang maaaring ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa ang maging sunod na hakbang upang matugunan ang isyu sa climate change.
Matatandaang manggagaling ang Loss and Damage Fund mula sa mga mayayamang bansa na itinuturing ding major polluters. Ang mga nakolektang pondo mula rito ay ibibigay naman sa developing countries.
Samantala, inanunsyo naman ni Pangulong Marcos na bibisita siya sa Germany ngayong taon.
Ayon sa Pangulo, kumpiyansa siyang mas bubuti ang relasyon ng Pilipinas at Germany sa kanyang pagbisita sa Berlin sa March 12, 2024.