Babayaran na ng Germany ang mga hudyo na dumanas ng matinding pag-uusig mula sa kamay ng Vichy regime sa ilalim ng Nazi sa Alegria, France nuong ikalawang digmaang pandaigdig
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makatatanggap ng kumpensasyon mula sa Germany ang mga hudyong naninirahan sa naturang lugar na nakaligtas sa Holocaust.
Ayon sa Conference on Jewish Material Claims Against Germany, tinatayang aabot sa dalawampu’t limang libo katao ang makatatanggap ng mahigit dalawanlibong Euro o katumbas ng tatlong libo at isandaang dolyar
Dahil dito, magbubukas na ang registration sa lahat ng dako ng France kung saan, tinatayang dalawampung libong hudyo ang naninirahan sa Alegria at inaasahang matatanggap na ito sa Hulyo.