Matindi ang ginagawang pag-iingat ng Germany upang hindi pumasok sa bansa ang African Swine Fever.
Ayon sa German Authorities, nag-deploy na sila ng sniffer dogs, drones at electrified fences upang maiwasan ang mga ligaw na baboy na pumasok sa kanilang teritoryo.
Malaking problema para sa naturang bansa sakaling maapektuhan ang kanilang swine industry ng ASF lalo pa’t limang milyong tonelada ng mga karneng baboy ay ini – export sa ibang bansa.