Nagbabala sa European countries ang Germany sakaling hindi maibalik ng Russia ang suplay ng natural gas.
Ayon kay German Economy Minister Robert Habeck, dapat maging handa ang European countries sa posibleng epekto ng limitadong suplay ng gas na una nang nagsara sa loob ng sampung araw.
Matatandaang inakusahan ni Habeck ang Kremlin o Moscow sa Russia na ginagamit nito ang gas bilang armas laban sa mga ipinapataw na sanctions ng eu dahil sa giyera sa Ukraine.
Samantala, aminado si Habeck na masyado nang desperado ang kanilang bansa sa pagkuha ng Russian gas.