Hati ang naging pananaw ng Germany at ng mga nasa ibang bansa dahil sa kontrobersyal na front cover ng German Weekly Magazine na Der Spiegel.
Sa nasabing front cover, isang cartoon na kamukha ni US President Donald Trump ang may hawak ng duguang pugot na ulo ng statue of liberty at may caption na “America First”.
Ayon kay Cuban Artist Edel Rodriguez, pamumugot sa demokrasya ang ibig sabihin ng dinisenyo niyang front cover ng naturang magazine.
Sa twitter, may mga nagpahayag ng pagbabor gayundin ng pagkadismaya sa front cover ng Der Spiegel.
By Avee Devierte
Photo Credit: Reuters' Website