Good news para sa mga naghahanap ng trabaho abroad!
Nangangailangan ng 600 Filipino Registered Nurses ang Germany para sa kanilang mga ospital at elderly care centers.
Kwalipikadong mag-apply ang lahat ng rehistradong nurse na hindi bababa sa isang taon ang professional experience sa ospital.
Sa ilalim ng triple win project, hihingan ang candidates ng b1 o b2 level na German language proficiency.
Pero kung wala pa nito ay isasailalim sila sa isang language training sa bansa na gagastusan at ilulunsad ng TWP mula Nobyembre 2022 hanggang Enero 2023.
Walang placement fee na hihingin sa mga candidates habang ang starting salary ay nagkakahalaga ng mahigit P 130 ,000 at maaari pang tumaas sa mahigit 162,000 matapos ma-qualify.
Libre rin ang kakailanganing dokumento gaya ng sertipikasyon, visa, medical checks at pamasahe.