Anim na raang nurse mula sa pilipinas ang kailangang i-hire ng Germany para sa partner hospital at elderly care centers nito.
Sa ilalim ng Triple Win Project (TWP) ng Germany at gobyerno ng Pilipinas, sinabi ng embahada nito na nag-umpisa nang tumanggap ang Department of Migrant Workers (DMW) ng aplikasyon mula sa mga registered Filipino nurses na may kahit isang taong professional experience sa ospital, rehabilitation center at care institution o private duty nurse.
Nabatid na nag-deploy ang gobyerno ng Germany ng mga nurse sa major parner hospitals nito.
Ilan sa mga nasabing nurse ay na-promote na sa mas mataas na posisyon habang ang iba ay ipinursige ang academic studies parasa kanilang career.