Nangangailangan ang bansang Germany ng tatlong daan at limangpung (350) nurse.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), may starting monthly salaray na 1,900 euros o P114,000.00 ang mga matatanggap na nurse.
Maaari pa itong umabot sa 2,300 euros o P138,000.00 kapag nagkaroon ng sertipikasyon.
Sagot na din ng employer ang visa at pamasahe patungong Germany.
Kabilang sa mga kwalipikasyon ay dalawang taong karanasan sa Intensive Care Unit (ICU), general, medic at surgical ward, geriatric care at operating room.
Sasailalim sa pagsasanay sa wikang Aleman ang sinumang makakapasok.
Maaaring magparehistro sa website ng POEA ang mga interesado na maging nurse sa Germany.