Pinadapa ng Germany ang Greece na kinabibilangan ni dating two-time National Basketball Association (NBA) Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo sa nagpapatuloy na 2022 Eurobasket.
Sinamantala ng Germany ang kanilang homecourt advantage kung saan tinapos nila ang naturang laro sa score na 107-96.
Nabatid na ang panalo ng Germany ay susi upang mas mapalapit sa tiyansang muling masungkit ng koponanang kampeonato.
Samantala, ang national team ng Germany ay meron ding dalawang NBA players sa katauhan nina Dennis Schroder at Daniel Theis.