Pinagpapaliwanag ng Austria ang Germany dahil sa pinupukol nitong pang e-espiya sa kanilang mga pulitiko at international organizations sa kanilang bansa.
Ayon sa Austria, matagal na umanong tinitiktikan ng Federal Intelligence Service ng Germany ang mga bangko, kumpaniya, pagawaan ng kanilang armas, at iba pa.
Hindi umano inaasahan ng Austria ito bilang kaalyadong bansa nila ang Germany.
Dahil dito patuloy ang pakikiugnayan ng Austria sa gobyerno ng Germany kaugnay sa nasabing isyu.