Tinanggal na ng Germany ang kanilang ikatlong diplomat sa North Korea kasunod ng pinakahuling missile launch nito.
Ayon kay German Foreign Minister Sigmar Gabriel, ito ay bilang pagbatikos sa ginawang nuclear test ng Pyongpyang na labag sa international laws.
Binigyang diin naman ni Gabriel na hindi ipinag-utos ng Amerika na gawin nila ito bagkus ito ay pagkukusa lamang ng Germany para magbigay ng dagdag na pressure sa NoKor.
Kasabay nito, hiniling ng Germany sa gobyerno ng NoKor na bawasan ang diplomatic presence nito kanilang bansa.
—-