Bigo ang mga otoridad na matunton ang isa sa mga umano’y dummy ni Vice president Jejomar Binay na si Gerry Limlingan.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, hindi pa tukoy ng National Bureau of Investigation o NBI ang kinaroroonan ni Limlingan na sinasabing family friend ng Pangalawang-Pangulo.
Sinabi ni de Lima na natunton na ang lahat ng address nito ngunit hindi pa rin ito nahuhuli.
Tikom naman ang bibig ng kalihim hinggil sa suhestiyon na gawing state witness si Limlingan laban kina Binay.
Ayon kay de Lima, aaksyunan lang niya ito kung may referral mula sa senado.
By Meann Tanbio