Muling nagpakitang gilas si Giannis Antetokounmpo para makumpleto ang panalo sa apat na laro sa first round series ng NBA eastern conference.
Kasunod na rin ito nang naiposteng tatlong triple double ni Antetokounmpo para sa Milwaukee Bucks kontra sa miami heat matapos maitala sa 120-103 ang final score.
Si antetokounmpo ay nagtala ng 20 points, 15 assists at 12 rebounds na naisama sa bucks playoff history na kinabibilangan din nina Kareem Abdul Jabbar noong 1970 at Paul Pressey noong 1986.
Dahil sa nasabing panalo umabante na ang Bucks sa ikalawang round ng play offs at tuluyang winalis ang Miami sa kauna-unahang pagkakataon sa tatlong play off match ups.
Nakapagtala naman ng 25 points si Brook Lopez, Bryn Forbes na nagpasikat sa pitong 3 points nito at Khris Middleton na gumawa ng 20 points at 11 rebounds.