Inihayag ng U.S. Federal Communications Commission na nangungunang problema sa loob at labas ng earth ang mga basura.
Nabatid na sa 10,000 satellite na inilunsad, kalahati ng 1,957 ang hindi na umano gumagana at naging space junk, o palutang lutang na lamang sa orbit ng mundo.
Dahil dito, ipadadala ng UK Clearspace System sa labas ng mundo ang isang giant claw na tutugon sa lumalalang problema ng mga basura sa kalawakan.
Karamihan umano sa mga aalisin sa orbit ang mga piraso ng debris mula sa mga inilunsad na satellite at ang two-meter large ng lumang launch adapter gamit ang mga robotic giant claw na may kakayahang humila ng mga basura at hahayaan itong sunugin ng atmosphere
Plano na ilunsad ang clear mission sa taong 2025 hanggang 2026.