Sinimulan nang I-block ng giant network na globe telecom ang mga text messages na naglalaman ng website links.
Sa gitna ito ng nakakaalarmang pagkalat ng spam at scam messages sa bansa.
Ayon kay anton bonifacio, chief information security officer ng globe, mahigpit na panuntunan ito kumpara sa nauna nilang aksyon na I-block ang pagtungo sa mga links na nakita ng globe na kakaiba.
Una rito, sinabi ng globe na umabot na sa 784 milyong spam at scam message ang kanilang iblinock kasama ang 14 thousand 58 sim cards at 610 domains o urls na nakalagay sa spam messages.
Ang smart din ang nakapag-block na ng 11 bilyong text messages attempts at 200 thousand mobile number na may kinalaman sa spam.