Hindi kasali o partido ang PhilHealth sa idinismis na kasong kriminal at administratibo laban sa 11 opisyal ng ahensya.
Ayon ito kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran dahil ang pasya ng Ombudsman ay para sa kada isang sangkot na opisyal ng ahensya bilang respondents sa kaso.
Gayunman sinabi ni Gierran na ang naturang pasya ng Ombudsman ay dapat igalang sa usapin ng hustisya at 110 million members na dapat mabigyan ng maayos na serbisyo ng PhilHealth.
Kabilang sa mga nilinis ng Ombudsman sina dating acting president at CEO Roy Ferrer, Interim President and CEO Celestina Dela Serna, EXP and COO Ruben Basa, SVP for Management Services sector Dennis Mas at Vice President for corporate planning and organizational and system development office Shirley Domingo.
Ang mga nasabing opisyal ay una nang inakusahan ng pagsasampa ng umano’y walang basehang administrative cases, mga hindi makatuwirang reassignments at pagsuspindi sa mga complainant bilang pagganti umano sa mga ito.