Ibinunyag ni bagong PhilHealth President and CEO Dante Gierran na may isang doktor na kakuntsaba sa umano’y nagaganap na anomalya sa PhilHealth.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Gierran na kanila nang nakita ang naturang doktor na taga-Region 12 sa Mindanao.
Ang pag-alam ko lang na may identified na isa [Doktor] nabasa ko sa report ng NBI. Kilalang-kila po sa Mindanao po doon po sa Region 12. ani Gierran
Kasunod nito, pananagutin sa batas ang naturang doktor at maaari pang matanggalan ng lisensya.
Number 1, kakasuhan at number 2 ifi-file ng kaso sa Civil Service Commission (CSC) para matanggal. ani Gierran
Paliwanag ng PhilHealth chief, sa paraang ito, tuluyang matitigil ang nakasanayang gawain ng mga corrupt na nasa likod ng mga anomalya sa ahensya.
Samantala, nanawagan naman si Girrean sa publiko o sinumang may alam sa pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng naturang korapsyon, maaari aniyang makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan para sa agarang aksyon.
Ito ang advice ko pwede kayong tumawag sakin sercetly. We will contact the NBI para sabihin angb totoo. ani Gierran
Pagdidiin pa nito, ang pondo ng PhilHealth ay binubuo ng mga kontribusyon ng taong bayan na siyang gagamitin oras na magkasakit ang mga ito.
Ang PhilHealth po ay pagaari po nati. The funds of PhilHealth compose of 1 kontribusyon natin atchaka pondo ng gobyerno. Pino-pondohan ng gobyerno ‘yan so tayo ang may-ari niyan. Anong purpose? Para gagastusin iyan kapag nagkasakit tayo. ani Gierran sa panayam ng DWIZ