Ginamit ng isang news website sa thailand ang GIF meme ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanilang ipinost na paalala hinggil sa COVID-19.
Ayon sa Thai Enquirer, naisip nilang magpalabas ng paaalala matapos mapaulat ang nadiskubreng halos 550 kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Samut Sakhon.
Nakapaloob anila sa paalala ang mga dapat gawin para maiwasan ang sakit tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing.
Sinabi ng Thai Enquirer, nakita nila sa internet ang isang GIF ni Roque na kuha mula sa isa sa mga briefing nito sa malakanyang kung saan makikita ang mga kinakailangang paalala hinggil sa COVID-19 kaya nila ito ginamit.
Anila, wala silang ideya kung sino ang lalaking nasa nabanggit na GIF at ginamit lamang nito dahil bilugan at asyano ang naturang lalaki.
Ang Thai Enquirer ay isang english speaking news website na nagtatampok ng mga komentaryo, kritisismo at balita mula sa pananaw ng mga tiga-Thailand.