Sumipa ang bilang ng mga nagpapadala ng regalo para sa kanilang mga minamahal sa iba’t ibang bansa sa asya ngayong Valentine’s Day.
Ito ang lumabas sa ulat ng Iprice Group kung saan, kabilang ang Pilipinas sa mga Asian country na may mataas na delivery rate.
Batay sa ulat, mas pinili umano ng mga magkakasintahan o mag-asawa na magpadala ng regalo lalo’t karamihan sa kanila ay nasa long distance relationship dahil sa COVID-19 pandemic.
Lumabas din sa ulat na pinakamaraming naipadalang mga regalo sa kasagsagan ng lockdown kung saan, pumalo ito sa 238%.
Sinundan naman ito ng iba pang mga pangkaraniwang regalo tuwing Valentine’s Day tulad ng tsokolate, alahas at pabango.