Tumulak na patungong Tehran, Iran ang Philippine national men’s basketball team.
Ito’y kaugnay ng gagawin nilang pagsabak sa FIBA Asia Challenge ngayong linggong ito.
Unang sasalang ang mga Pinoy sa kanilang Group B campaign laban sa India sa Sabado ng umaga bago sasagupa sa Chinese Taipei sa Linggo.
Titimunan ni Gilas Pilipinas assistant coach Josh Reyes ang Gilas 5.0 na pinangungunahan nina amateur players Mac Belo at Kevin Ferrer.
Kasama rin sa koponan sina Von Pessumal, Almond Vosotros, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russel Escoto, Arnold Van Opstal, Ed Daquioag, Jonathan Grey, Alfonzo Gotladera, Carl Bryan Cruz, Chris Javier at CJ Perez.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: philstar