Patuloy ang preparasyon ng Philippine National Men’s Basketball Team sa kanilang pagsabak sa Southeast Asian Games sa kabila ng kakulangan ng miyembro.
Kabilang sa mga unang dumating sina Matthew Wright; magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena mula sa Japan at maaaring magbago ang kanilang training schedule dahil marami pang dapat gawin upang mabuo ang kanilang chemisty bago ang laban.
Noong Sabado naman sumabak ang Gilas Pilipinas sa tuneup game laban sa NLEX Road Warriors ng PBA, kung saan maraming pros ang nakakita ng aksyon para sa pambansang koponan.
Para naman kay Gilas Head Coach Chot Reyes, hindi niya maiwasang humanga sa dedikasyon ng mga player na patuloy na dumadalo sa mga practice game.
Gayunman, aminado si Reyes na nababahala siya sa naturalized player ng Indonesia na si Marques Bolden, na pumalit sa dating import ng PBA na si Lester Prosper.
Si Bolden, na isang dating NBA player, na may taas na 6’10 ang inaasahang magbibigay ng problema sa Philippine Team.