Hindi dapat maging kampante ang Gilas Pilipinas sa pagsabak sa Fiba Olympic Qualifying Tournament.
Kasunod na rin ito ng babala ni head coach Tab Baldwin matapos ang impresibong kampanya ng Gilas Team sa Fiba Asia Cup Qualifiers kung saan pinataob nito ng dalawang beses ang koponan ng South Korea at pinahiya ng isang beses ang tropa ng Indonesia.
Ayon kay Baldwin hindi dapat magpaka-kampante ang buong team at sa halip ay maging handa ang lahat sa mga inaasahang hirap, hamon o ika nga’y rough road tungo sa pag abot ng pangarap na magtagumpay sa nasabing international basketball tournament.
Ang mga hamon aniya sa Gilas Team ay posibleng maranasan ngayong linggo habang naghahanda itong sumabak sa Fiba Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.
Gayuman, patuloy na kinikilala ni Baldwin ang ambag ng coaching staff at management team lalo’t higit ang mga players sa panalo kontra tropa ng Sokor at Indonesia.