Puspusan ang gagawing pagsasanay ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang pagsabak ng koponan sa 2016 FIBA World Olympic Qualifying tournament.
Sinasabing sisimulan na ng Gilas ang kanilang training sa susunod na buwan na kabibilangan ng 17 atleta.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP at Philippine Basketball Association o PBA, inaayos na nila ang schedule ng national team upang maging solido ang paghahanda sa wild card tournament.
Sakaling makalusot ay mabibigyan ng pagkakataon ang Gilas na makasabak sa Rio Olympic Games.
Giit ni Al Panlilio, Board Governor ng MERALCO at Head ng MVP Sports Foundation, tiwala silang magiging matatag ang koponan hanggang sa 2016 dahil sa mga nadagdag na manlalaro.
By Jelbert Perdez