Ligtas at nakaalis na ang Gilas Pilipinas sa Istanbul Airport halos limang oras bago umatake ang tatlong suicide bombers ng ISIS.
Nagmula ang nationals sa isang three-week training camp sa Europe kung saan nila hinarap ang koponan ng Turkey sa Istanbul kamakailan at lumahok sa four-team, pocket tournament sa Bologna, Italy.
Ikinagulat naman ni naturalized player Andray Blatche ang biglaang pagbaha ng mga text sa kanyang cell phone ilang oras matapos dumating ang Gilas Pilipinas sa Manila mula sa Turkey noong Martes ng gabi.
Ang dahilan nito ay ang pag-atake ng teroristang ISIS sa Istanbul International Airport na ikinamatay ng 41 at ikinasugat ng 239.
By Mariboy Ysibido