Naka-focus sa kanilang training para sa idaraos na 2015 FIBA Asia Men’s Championship ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas.
Tiniyak ito ng Gilas members kaya’t walang puwang anila ang mga negatibong komento laban sa kanila.
Ayon kay Gilas Coach Tab Baldwin, palalakasin na lamang nila ang kanilang ensayo para maging matatag ang koponan.
Sinabi naman ni Assistant Coach Jimmy alapag na maganda ang chemistry ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas sa kasalukuyan kahit magkakalaban sila sa PBA.
Una nang lumutang na sinasadya umano ng mga manlalaro na idahilan ang mga dinaramdam nila para hindi mapabilang sa Gilas Pilipinas.
By Judith Larino