Natapyasan na naman ng importanteng manlalaro ang Gilas Pilipinas matapos ma-diagnose si Ange Kouame, ang naturalized player ng team, na may meniscal sprain at bahagyang acl tear.
Nangangahulugan itong mawawalan ng naturalized center ang Gilas para sa kanilang tuneup games kontra Korea ngayong linggo at posible rin sa ang ikatlong window ng 2023 Fiba World Cup Asian Qualifiers.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), kabilang si Kouame sa mga alanganin para sa 2022 Fiba Asia Cup sa Indonesia sa susunod na buwan.
Aarangkada ang exhibition games ngayong araw at bukas.