Inamin ni Gilas Pilipinas Coach Tab Baldwin na hindi magiging madali para sa national team ang makalusot sa Olympic Qualifying Tournament sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa makakaharap ng Gilas ang malalakas na koponan na kinabibilangan ng mga powerhouse na bansa gaya ng Serbia, France, Italy, Greece, Czech Republic, Canada, Mexico, Puerto Rico, Angola, Tunisia at New Zealand.
Kaugnay nito, iginiit ni Baldwin na kailangan nilang ibuhos ang lahat ng kanilang makakaya sa simula pa lamang ng laro upang makalusot sa pinapangarap na Rio Olympics.
Una rito, isinama na sa line up ng Gilas sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Paul Lee at iba pa para mas lumakas pa ang koponan.
By Ralph Obina