Pasok na ang Gilas Pilipinas sa semi-finals ng 2015 FIBA Asia Championship na ginaganap sa Changsha, China.
Ito’y matapos ilampaso ng Gilas ang Lebanon sa score na 82-70 sa quarterfinals ng torneyo, kagabi.
Aminado naman ang Philippine team na lalo silang ginanahan na ipakita ang kanilang bangis sa court dahil sa pangmamaliit sa kanila ng coach ng Lebanon.
Sunod na makasagupa ng Pilipinas sa semi-finals ang Japan mamayang alas-9:30 ng gabi.
Kailangang ipanalo ng Gilas ang naturang laban maging ang susunod na game upang matiyak ang kanilang pagpasok sa 2016 Rio Olympics sa Brazil.
By Drew Nacino